#“para sa'ting dal'wa ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin”
Explore tagged Tumblr posts
yuusishi · 11 months ago
Text
why did no one tell me I've been missing out on opm songs for years oh my god I'm getting shot straight at the heart listening to these songs while studying for my exams
0 notes
aikeasworld · 5 years ago
Link
Disclaimer: No copyright infringement intended. I do not own the video and the music. Credits to TBA Studios and December Avenue for the video and the song.
Ilang beses ko nang pinapakinggan itong kantang 'to. Noong una, hindi ko alam ang pamagat, basta naririnig ko lang siya sa radyo o kaya pinapatugtog ng mga ka-opisina ko. Hanggang sa random na lang siyang naka-auto play sa tuwing nagyu-Youtube ako. Habang pinapakinggan ko, nagbabasa ako ng comments ng mga taong parang sinaktan ng tadhana sa comments section. Ang daming nagbabahagi ng mga karanasan nila tungkol sa pag-ibig na minsang naging parte ng buhay nila pero nawala rin. Sila 'yung mga taong nasaktan noon o patuloy na nasasaktan pa rin hanggang ngayon at hindi pa rin nakaka-move on.
Ang pambansang tanong ng mga taong sawi: Paano nga ba mag-move on?
Paano mo malalaman kapag dapat ka ng bumitiw at sumuko sa isang relasyong matagal mong pinangalagaan at pinaglaban?
Kapag ba bumitaw ka na, ibig sabihin ba noon hindi mo talaga siya minahal ng totoo dahil mas pinili mong sumuko na lang?
Paano nga ba bumitaw? Paano ang lumimot?  Paano ba kalimutan ang isang tao...
...kung alam mo sa puso't isip mong mahal mo pa siya?
Paano kung pagod ka na at naubos na talaga nang tuluyan ang pagmamahal mo para sa kanya?
Ang sakit ba? Andaming tanong 'no? Andami nating gustong malaman. Andaming gumugulo sa isip. Siguro nga talagang ganyan pag nagmamahal ka nang totoo. Masakit. Masaya. Minsan magulo. Nakakapagod. Nakakaiyak. Sa tuwa. Sa lungkot. Halo-halong emosyon ang kaya mong maipakita at maramadaman kapag nagmamahal ka.
Minsan sa buhay natin may mga tao tayong makikilala at magiging parte sila ng buhay natin. May mga taong sa una palang binibigay na agad lahat-lahat para sa taong mahal nila kasi hindi nila alam kung hanggang saan lang ang meron sila kasama ang taong ‘yon.
Meron namang mga taong steady lang, hindi muna binibigay ang 100% nila dahil sa walang kasiguraduhan kung sila na ba ng partner niya hanggang sa huli.
Meron ding hindi alam kung ano talagang gusto n’ya kaya naman nakakasakit ng damdamin ng iba kasi nagcacause ng pain at confusion para sa mga taong apektado.
Meron namang alam na kung ano bang hinahanap nya, yung tipong pang-forever na.
May tao naman na mapili sa taong mamahalin nila. At hindi ‘yon masamang bagay. Minsan kailangan mo talagang piliin kung kanino at sino ang mamahalin mo.
Meron din namang mabilis ma-fall, ‘yung tipong hindi mapili. Basta nakaramdam ng spark, go agad. At hindi rin ‘yon masama. Kumbaga, YOLO. Kung masaya ka sa ginagawa mo at kusang loob mong pinili ang taong ‘yon para magpasaya sa’yo at pasayahin mo, bakit hindi, ‘di ba?
Mayro’n  namang taong pag nasaktan, para bang kasabay na rin ng sakit na ‘yon lahat ng sakit na pwede niyang maramdaman sa buhay niya. Na para bang katapusan na ng mundo dahil nawala na ang taong minamahal niya.
May mga tao namang matapang at matibay ang puso. ‘Yung mga tipong isang araw lang iiyak, magwawala at magwawalwal, tapos kinabukasan lalaban na ulit sa buhay na parang walang nangyari.
Meron din namang hirap na hirap lumimot. ‘Yung mga tipong kahit ilang tao pa ang makilala nila, pag tinamaan na sila sa isang tao, tinamaan talaga. At meron namang mga taong naghahanap ng rebound para makalimot, o kaya yung mga nagtatravel para daw ~"hanapin ang sarili"~
Iba-ibang uri ng klase ng tao, iba-ibang paraan kung paano magmahal at masaktan. Minsan itatanong mo sa sarili mo, saan ka ba nabibilang? Ikaw ba yung nanakit o nasaktan?
Kapag ba ikaw ang umalis, nangangahulugan bang ikaw lang ang nanakit at hindi ka nasaktan?
Paano nga ba malalaman kapag hanggang dun na lang kayo? Sabi sa isa pang kanta, “hanggang sa dulo ng ating walang hanggan, hanggang ang puso'y wala ng maramdaman.” Grabe, ‘di ba? Intayin mo talagang mamanhid ka bago ka bumitaw? CHAR DON’T ATTACK ME.
Sa totoo lang, hindi talaga ako broken ngayon. Pero kapag naririnig ko 'tong kantang 'to, para bang ang sakit sakit ng damdamin ko. Gusto kong maiyak sa sakit. Marinig mo ba naman yung -
kahit sandali, patawarin ang pusong 'di tumigil
para sa'ting dal'wa
ang maling pagkakataon
na ika'y magiging akin
INAANO BA KAYO, DECEMBER AVENUE??? T_T - sino ba namang hindi masasaktan ‘di ba? Or ako lang talaga ‘to? Sige, ako lang ‘to HAHA.
Pero ayun nga, para bang hinihiling mong hanggang sa huli, kayo pa rin, kayo na lang ulit kahit na hindi tama ang panahon.
Basha, ikaw ba yan??? CHAR pero seyoso. Mahirap talagang bitawan ang isang bagay lalo na kung sa pakiramdam mo kaya mo pang ipaglaban. Kahit na parang ubos na ubos ka na, ‘yung buong pagkatao mo nawala na para lang ilaban ‘yung pagmamahal na pinaniniwalaan mo.
Ang gara rin minsan ng mga tao. Kapag nagmahal tayo, nagkakaroon tayo bigla ng kapansanan. Lalo na pag toxic na ‘yung relationship. Nagiging bulag tayo bigla sa mga bagay na ayaw nating makita. Kahit na red flag na, hindi tayo tumitigil kasi maaring meron tayong mga pinanghahawakan o para sa iba pang dahilan na tanging ikaw lang ang nakakaalam.
Minsan madaya at madamot talaga ang tadhana.
May makikilala kang panibago, pero paulit-ulit mong tatanungin ang sarili mo kung sapat na ba ‘yung oras na nilaan mo para makalimot at mag-heal. Hanggang kailan ba dapat para masabing okay ka na talaga? May tamang formula ba na dapat sundin para masabing pwede ka nang magmahal ulit, o kulang pa at hindi mo pa kaya kasi sobrang winasak ka ng pagmamahal na akala mo hanggang huli na.
Mapapatanong ka na lang minsan ng, "Kaya ko pa bang magmahal ulit? Kasi parang naibigay ko na lahat-lahat eh?"
Sa tingin ko alam naman nating lahat na iba-iba tayo ng coping mechanism pagdating sa mga break-ups. Walang iisang paraan para maging okay at makapag-move on.
Sa totoo lang walang trivia o kahit na ano dito. Puro kwento lang. Mga hinuha at opinyon.
Konting story time. Based on my personal opinion, hindi naging mahirap ang pagmu-move on from my last relationship. Mahirap lang dahil noong nasa relasyon pa ako, ayaw ko na talaga pero lumaban pa rin ako. Kasi baka naman masasalba pa namin. Baka kaya pa. Baka pwede pang ayusin at baguhin ‘yung mga dapat baguhin. Ayusin ang mga dapat ayusin. Itama ‘yung mga mali. Kaya lang hindi ko na talaga kinaya. Gusto ko pa rin siyang piliin pero alam ko rin sa sarili ko na hindi ko na talaga kaya. ‘Yung tipong parang namanhid ka na lang kasi mas gusto ko na lang kumawala noon. Sa isip ko noon, ‘pag natapos na lahat, magiging okay na ako. 
At ‘yun nga ang nangyari. Noong matapos na lahat hanggang sa kahuli-hulihang sandali na nagkita kami at nasabi ko mismo sa kanya na ayaw ko na nga, para akong nabunutan ng isang malaking tinik. Parang inalisan ng isang mabigat na pasaning dala-dala ng pagsasamang pilit mong isinalba at ipinaglaban kahit na hindi ka naman talaga masaya.
Mahina ba ako kasi umayaw ako? Hindi. Para sa akin, malakas ako kaya ko nagawang umayaw. Kinaya kong umayaw kahit na pakiramdam ko huhusgahan ako ng mga tao sa paligid ko. Kahit na pakiramdam ko noon wala ng magmamahal sa akin. Kahit na pakiramdam ko hindi na ako karapat-dapat mahalin sa tamang paraan na nararapat para sa akin.
Sa mga nakabasa at makakabasa nito, kung makarating ka sa parteng ‘to, kung nasaktan ka man at hindi ka pa okay, sana maging okay ka rin. Kung hindi pa, kapit lang. :) Kung pinagdaanan mo naman ‘to noon at okay ka na ngayon, congrats! Mabuhay ka! :D
and before i go, drink ur water btchz <3
1 note · View note
its-hades-things · 5 years ago
Text
Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil Sana'y tayong dal'wa Sa huling pagkakataon Na hindi na para sa 'tinKahit sandali, patawarin ang pusong 'di tumigil Para sa'ting dal'wa Ang maling pagkakataon Na ika'y magiging akin
1 note · View note
messyhara · 5 years ago
Text
Sabi mo pakinggan ko to diba? Kase sabi mo yung lyrics parang patama sating dalawa. Ito yung unang kantang naging paborito ko nung nakilala kita, bi. 💋
Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sa'yo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't 'wag mong bitawan
Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa'yo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang
Darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?
Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin
Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam
Kung darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?
Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin
At sa bawat minuto, ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sa'yo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?
Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa
Sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin
Kahit sandali, patawarin ang pusong 'di tumigil
Para sa'ting dal'wa
Ang maling pagkakataon
Na ika'y magiging akin
0 notes