syyyykaye
Kaye
70 posts
Reader/Writer ■ Explorer ■ 🇵🇭 ■ ♐
Don't wanna be here? Send us removal request.
syyyykaye · 4 years ago
Text
Let me know if you want to leave me.
0 notes
syyyykaye · 4 years ago
Text
ESCAPE, NO MORE
Bakasyon. Sinasabi pa lang ay excited na ang karamihan. Isa rin ito sa pinakapaborito ng lahat.
Isa na ako roon. Bakit? Kasi ito 'yong araw na sa wakas, makukumpleto na naman ang isang pamilya. Sa wakas, magkikita-kita ulit ang magbabarkada. Sa wakas, makakalanghap ulit ng sariwang hangin. Sa wakas, makakakain ulit ng mga masusustansiya at masasarap na pagkain.
"Inay, excited na ho akong umuwi r'yan." 'Yan lagi ang aking bukambibig sa tuwing tumatawag ang Inay mula sa 'ming probinsiya.
Kaunting araw na lang ang bibilangin... sa wakas, makakauwi na rin ako.
"Ikaw talagang bata ka. Anong gusto mong ulam pagkauwi mo rito?" Natatawa nitong tanong. Sus! Namimiss na rin ako ng Nanay ko. Ganyan 'yan, eh. Kunwari tumatawa-tawa lang pero deep inside, gusto niyang sabihin na miss na niya ako.
Mahiyain din kasi tulad ko.
"Alam mo naman na ang pinaka paborito kong pagkain, 'nay. I miss you na po." Hagikgik ko tyaka hinalik-halikan ang screen ng selpon ko.
Nagvivideochat kasi kami ng Nanay ko. Ayun, medyo naiyak pa sa ginawa ko. Hindi man niya sabihin, nararamdaman ko namang ganoon din siya sa 'kin.
"Ate, pasalubong ko po ha?" Singit ng bunso namin.
"Oh, sure. Anong gusto mo ba?" Lumawak ang ngiti ng bunso kong kapatid. Alam niya kasing hindi ko siya mahindian.
"Ikaw na bahala. Thank you, Ate kong maganda."
Sa pamilya, lahat nagagawa mo. Kahit sobrang sukung-suko ka na, iisipin mo lang ang iyong pamilya, bigla ka na lang ulit gaganahan at lumalaban.
Parang ako, kaya ako nandito sa Maynila ay para sa aking pamilya. Gusto ko silang itaguyod. Kahit sobrang hirap makipagsapalaran dito ay kinakaya ko pa rin.
Kaya nga sa tuwing may bakasyon, imbes gumala kasama ang katrabaho ko rito ay mas pinipili ko na lamang umuwi sa 'min. At least, makakatulong pa ako sa kanila at mas makakatipid na rin.
"Inay, nandito na ho ako sa terminal ng bus." Lahat kami excited sa pag-uwi ko.
Ang bunso namin na hindi na makapaghintay sa pasalubong kong tsokolate at iba't ibang gamit gaya ng damit at shorts.
Ang aking Nanay naman ay aabutan ko lang iyon ng panggastos sa bahay ay masayang masaya na siya.
Ang aking Tatay naman ay kahit wala kang maibigay ay ayos na ayos lang sa kanya pero syempre, hindi naman ako papayag na walang maibigay sa kanya.
"Inay, hihintayin na lang pong makaalis itong bus. See you there ho." Tuwang-tuwa kong balita sa Nanay ko.
"Sasalubungin ka ng mga paborito mong pagkain 'nak." Natatawa nitong sabi habang nanggigilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Inay naman. Ang drama mo. Matulog na ho kayo riyan. Mahaba-haba pa ho ang aking biyahe. Baka malobat pa ako n'yan sa daan, eh. I love you." Hinalikan ko muli ang screen ng selpon ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan nila ako. Basta masaya ako sa ginagawa ko.
Umandar na ang sinasakyan kong bus. Hudyat na para sa mahaba-habang biyahe pauwi sa aming probinsiya.
Inayos ko ang aking backpack para may masasandalan ako 'pag dinalaw ako ng antok. Nasa safe place na rin ang aking shoulder bag. Kailangan para hindi masalisihan.
Kinuha ko na rin sa loob ng bag ang aking earphone. Syempre, para makatulog ako kaagad. Ang hirap kasi matulog lalo na't ang ingay lang ng makina ang maririnig mo sa buong biyahe.
Nakailang kanta pa ako bago makatulog.
Then nagising na lamang ako na kasama na ang aking buong pamilya.
Ang bilis ng pangyayari.
Pagdilat ko, nakita ko silang...
Umiiyak---sa tuwa? Oo, sigurado ako roon. Natutuwa sila dahil magkakasama na ulit kami.
"Inay, 'tay, bunso," Masigla kong bati sa kanila. Tyaka ko sila niyakap nang mahigpit na mahigpit.
"'Nak, kamusta naman ang buhay Siyudad? Nakakapagod ba? Mahirap ba?" Naiiyak na tanong ng aking Inay.
"Mabuting-mabuti ho." Sagot ko habang nakangiti sa kanila.
"Sigurado ka bang okay ka lang doon? Eh, bakit parang ang payat mo? Pero bakit hindi ko napansin sa t'wing nagvivideochat tayo?" Dagdag nito.
"Alam mo na, Inay. Nagpapasexy." Natawa kong sabi.
"Ang masunurin kong panganay na sobrang miss na miss ko." Naluluhang sabi ni Itay.
Pati ako, nahahawa sa dramahan nila. Hayst.
"Hindi ba sabi ko, kahit wala kang ibigay ayos lang sa 'kin? Ano 'to? Nag-abala ka pa talaga." Tumulo ang luha sa mga mata ni Itay. Na ngayon ko lang nakita ito sa kanya.
Tears of joy.
"Sabi ko naman sa inyo 'tay, hindi pwedeng wala akong ibigay sa inyo, eh. Tyaka alam ko namang kailangan niyo na rin pong palitan lahat ng sira niyong shorts."
"Pero maraming maraming salamat 'nak, ha? Kaso hindi ito 'yong gusto ko." Tuluy-tuloy lang ang pagpatak nang kanyang luha na pinupunasan din naman nito agad.
Sobra naming namiss ang bawat isa.
"Ate, ayoko na nang pasalubong mo. Gusto ko ikaw, ikaw mismo ang pasalubong mo sa 'kin." Hagulgol nito.
Hindi ko alam. Feeling ko parang may mali sa nangyayari ngayon at anong ibig sabihin ng bunso kong kapatid? Hmm.
Okay naman ako. Bakit sa kinikilos nila, parang hindi ako okay?
May mali ba?
"Anak, ipinagluto kita ng paborito mong pagkain. Alam kong pagod na pagod ka sa biyahe mo, pero bago ka umalis tikman mo naman lahat ng niluto ni Inay para sa 'yo 'nak ko."
Humahagulgol na rin si Inay. Kaya niyakap ko siya pero this time nagbago ang lahat.
Shit.
What happened?
Nagpalinga-linga ako. Ngayon ko lang napansin, may reunion ba rito? Bakit hindi ako aware? Nandito rin ang aking barkada since elementary hanggang college.
Masaya silang nag-uusap at the same time, umiiyak.
Niyakap ko muli si Inay pero ganoon pa rin.
Tumatagos ako sa kanya.
Bakit?
Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagbabakasakaling may magbago sa lahat ng nangyayari ngayon.
Ngunit pagmulat ko, nakita ko ang aking sarili. Nakasuot ng puting tela. Nakahiga.
Lumapit ako.
Nakangiti.
Nakangiti mismo sa 'kin. Ni animo'y tanggap ang pagkawala.
"Ate, bumalik ka na. Okay na ako sa wala kang pasalubong basta pagdating mo, buhay na buhay ka. Hindi ka uuwing ganito. Ate, gumising ka na diyan please?" Humahagulgol na sabi ng aming bunso.
Gosh! Is it real? Ako nga ba 'yong nandoon? Shit!
Bakit?!
Nilapitan ko ang aking kapatid tyaka siya niyakap nang mahigpit.
Hindi ko na rin napigilang umiyak. Oo, hindi man ako nakikita ngayon ng kapatid ko ngunit kahit sa huling sandali ay naiparamdam kong nandito lang ako sa tabi niya.
"Ate, alam kong nandito ka. Alam ko ring naririnig mo ako. Pero sana naman, bumalik ka na." Nanghihinang boses nito dahil sa pag-iyak.
"Sorry bunso." Bulong ko na lamang sa kanyang tainga.
"Ngayong wala ka na, paano na kami ng Tatay at kapatid mo? Iniwan mo na lang kami ng walang paalam. Ang sakit nito 'nak. Hindi ka na namin makakasama pa ng matagal." Hagulgol ni Inay habang nakayakap sa kanya si Itay at bunso.
"Bumangon ka na riyan 'nak. Saluhan mo kami rito ng iyong Inay at kapatid." Humahagulgol naman na sabi ng Itay.
Nadudurog ako sa lahat ng sinasabi nila.
Lumaban naman ako pero hanggang doon na lamang talaga siguro ako.
Paano na ang pamilya ko? Paano ko sila matutulungan kung ngayo'y wala na akong tutupad sa mga pangarap namin? Kung ngayo'y hindi na ako kasama sa lahat ng plano.
"Huwag tayong magpanik." Pagpapakalma ng konduktor sa 'min.
Kinuha ko agad ang aking rosario na aking tagapagligtas. Nagdasal ako ng taimtim sa kabila ng lahat ay nagpapanik at hindi na alam ang gagawin nila.
Hanggang sa unti-unti kaming bumagsak sa bangin. Lahat ng gamit namin ay nagkanda watak watak. Halos lahat ay tumilapon kung saan-saan.
Ako? Nakaligtas ako dahil kumapit ako sa isang puno roon. Marami ang tumulong sa amin that time. Dahil sa sobrang tirik ng bangin ay nahirapan ang mga rescuer na iakyat kami para itakbo kaagad sa ospital para makasurvive sa aksidente. Tandang-tanda ko pa na may mga nakasabayan pa ako na nakaligtas.
Ngunit, pagkaraan lang ng ilang oras... agad akong binawian ng buhay. Hindi nakayanan dahil sa dami ng dugong nawala sa aking katawan.
Shit. Naalala ko na. Bakit? Bakit ngayon pa? Ngayong akala ko mabubuo ulit ang aking pamilya na ngayo'y hindi na mabubuo dahil sa aking pagkawala.
Hindi ko na maikukwento ang lahat ng gusto kong ikwento sa kanila.
Hindi ko na mararamdaman ang sariwang hangin.
Hindi ko na makakain lahat ng paborito kong pagkain na luto ng aking magulang.
Hindi ko na matutupad ang aking mga pangako sa aking mga magulang.
Maslalong, hindi ko na magagabayan ang aking pinakamamahal na bunsong kapatid na umaasa lamang sa akin.
Wala na. Lahat ng pangarap ko para sa aking pamilya ay kinuha agad sa akin.
End.
Tumblr media
3 notes · View notes
syyyykaye · 4 years ago
Text
Kahit gusto mo ng kalimutan 'yong taong minahal mo ng sobra, maaalala't-maaalala mo pa rin kasama ang saya at lungkot na naidulot nito sa iyo.
0 notes
syyyykaye · 4 years ago
Text
Tumblr media
I WONDER
1 note · View note
syyyykaye · 5 years ago
Text
SOME TYPE OF LOVE
Tumblr media
0 notes
syyyykaye · 5 years ago
Text
Tumblr media
BONKERS
1 note · View note
syyyykaye · 5 years ago
Text
Tumblr media
Destined To Kill You
1 note · View note
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
0 notes
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media
#entry #PabalatPHMonthlyChallenge
0 notes
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
syyyykaye · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
0 notes