mhaicx01
5 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
mhaicx01 · 7 years ago
Text
What Love is?
Love is like a roller coaster, there are up and there’s down
No matter what, love must be known;
Staying in love is a hard thing,
You must understand everything.
 Learn to appreciate what you have
Even your life, you must give;
To believe in it, is a hard thing,
You’ll never understand unless you know the feeling
 Live without hatred
Understand each other
Love unconditionally
You’ll live peacefully
 Let go of the past then move on
Never let the past put you down
Hope and hold on for the future
So that your love life will be secure
0 notes
mhaicx01 · 9 years ago
Text
insecurity
Why do people feel insecure?
If everything is on their hand?
In everything that’s not in me
You’ve got it all still insecure?
Is there something that’s in me?
That you treat me as an enemy?
I trusted you with all my might
But your mindset was to compete
Is there something wrong that I’ve done?
That you’re trying to pull me down?
I just pray that God will touch you
‘til that insecurity leaves you
0 notes
mhaicx01 · 9 years ago
Text
Pray more, Worry less
If you don’t have anything, know He’s your everything;
No matter what you’re facing, think that God will do something;
God said He will NEVER leave you nor forsake you;
Just believe and he will do something for you;
He wants you to never doubt and trust in Jesus;
There’s no place for doubt just pray and worry less.
0 notes
mhaicx01 · 10 years ago
Quote
You make me smile , in my darkest days, in my lightest nights, in every minute and every second of the day . Even if I'm with you or not , your face just suddenly pops into my mind and the next thing i knew, I'm smiling .
0 notes
mhaicx01 · 11 years ago
Text
Pintuan
"sana ganito na lang tayo palagi..."sambit ni Billy habang nakatitig sa mga mata ko.
(minsan habang naghihintay ako ng masasakyan pauwi....)
"mahal kita, mahal kita hindi ito bola..."
narinig ko ang mga katagang ito mula sa isang tinig, tinig na pumawi sa lungkot ko ng araw na 'yon. 'di ko inakala na sya pala ang kumakanta-si Billy-ang TROPA ko.
" oy bakit ngayon ka pa lang uuwi? gabi na ahh? " bati nya sa akin sabay beltok ng mariin sa ulo ko.
"araaaaay! nakakainis naman 'to oh!"  inis kong sagot.
"ehh bakit kasi ngayon ka pa lang uuwi? babae ka pa naman tsk. tsk. tsk. " sabay pisil sa pisngi ko.
"bakit ba? tatay ba kita? malaki na'ko pwede ba?"
"sorry na . di na po mauulit.ngiti ka na please?"
"haay nakuu! oo na sige na . tara na nga umuwi!"
"di ka na galit?"
"di na nga po.. paulet-ulit? 'di na po 'tay"
    ang mga tagpong iyon ay sadyang normal na lang sa amin.
          Nakilala ko si Billy sa birthday ni Mark-tropa ko sa kolehiyo. Napakatahimik nya noon at halos walang pumapansin sa kanya. Daldal ako ng daldal noon katatanong sa kanya habang pulos ngiti lang ang sagot nya sa mga tanong ko. Sa tingin ko'y seryoso syang tao, tahimik at medyo suplado. ang katahimikan nyang iyon ang  lumikha ng ingay sa mundo ko.
        Aminado ako , para talaga akong lalaki. Puro lalaki kasi ang palagian kong kasama. Kahit nga mga kilos ko'y kilos ng lalaki na din.Ang kaibahan nga lang ay damit pambabae ang suot ko.
Maganda,kalog,pasaway-yan daw ang mga katangian ko. Sabihin na lang nating "BAD GIRL" ako. Lagi kasing napapaaway simula't sapul ang tropa ko at kasama din ako doon. Ako yung tipo ng babaeng SUPER BULLY. Ako si Charlotte. Nang maging tropa ko si Mark,mas lalo kong nakilala si Billy. Yung akala kong napakatahimik ay kabaligtaran pala. Ewan ko ba, parang may naiba sa mundo ko. Ewan! basta! Ang hirap kasi ipaliwanag.
asaran, kulitan, harutan, beltukan, at pikunan-yan nag lifestyle naming dalawa.
Maunang mapikon, talo.
sanay na ako sa mukh nya. sa mga salita nya, sa lahat. Normal na sa akin ang may tagasundo at tagahatid dahil sa kanya. Sanay na'ko kay Billy.
Minsan nga,
"cha, real talk ha...  i love you!"
"che! ay naku naman BIlly' di tayo talo! pareho tayong lalaki nuhh!"
"sus! naniwala ka naman?? Oy! kinikilig??"
"mahiya ka nga! baka kiligin ako?? pwet mo.!"
                Lumipas ang isang linggo walang billy na nagpakita sa akin. Hindi na daw sya pumapasok. Lumipas ang dalawang linggo, kahit isang text o tawag wala akong narereceive mula sa kanya. Namiss ko si Billy-si Billy na halos binukulan na ako kakabeltok nya.First time kong maramdaman ito-ang ma-miss ko ang isang tao. 
                 Pumunta ako sa tambayan namin- ang "Chabi".  ito'y lugar  malapit sa ilog na may puno ng mangga. Napaupo ako't natulala. Naalala ko ang lahat. Napaluha ko't napabalikwas.Nagtaka ako sa sarili ko. Bakit nga ba ako umiiyak? bakit nga ba?. ninais kong umuwi muna.
pag uwi ko sa bahay....,
"ate, anong pakiramdam ng nagmamahal?"
"wow ha? sa'yo pa nanggaling.  teka at bakit mo naman natanong?"
"ahh ehh wala lang"
:"at sino naman yang iniisip mo? aber? hmm ayiee! inlove ang bruha. hahahaha"
"hay naku! bahala ka nga jan!"
"masaya ka dahil sa kanya at malungkot ka dahil din sa kanya"
Napaisip ako.Mahal ko ba si Billy? napabalikwas ako . baliw ka na ba? haay! di ba di kayo talo? OO. di kami talo at imposible! -sigaw ko sa kwarto habnag kausap ang sarili ko.
kinabukasan..., 
"cha, may tumatawag daliii!"
"ate, pakitingin kung sino!"
"Si Billy"
"ha? si Billy? ahh teka teka waiiiiit!"
dali dali kong tinakbo si ate.
"hello? "
" cha, uy! kamusta ka na? namiss kita! ako namiss mo ba ko?hahahaha tara sa ChaBi wait kita dun..! tuuuuuuuuuuuuuuuuuuuut tuuuuuuuuuuuuuut" naputol ang linya.Napangiti ako.
"sa wakas ! nagparamdam din ang multo!!"
nadatnan ko nga si Billy sa ChaBi. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganoon ang kanyang ngiti- isang ngiting kumurot at gumising sa damdamin ko.
"hoy impakto! kamusta? almost 1 month kang nagpakamulto ah?"
"di mo man lang ba ako namiss cha?"
"yan tayo ehh.! ano bang nangyari sayo at almost 1 month kangexcused sa mga klase mo? ni kahit mga prof.'s at adviser mo ay ayaw sa aking sabihin kung bakit? bilin mo daw? ung totoo? sa'n ka ba talaga galing? daya mo naman! hmmp!"
"cha,teka teka kalma lang. easy! hahahahaha pa'no ko majkakasagot kung ayaw mo namang tumigil kakatanong jan? hahaha cha, the day that i said i love you totoo yun! yhe day i met you i felt something different. i'm serious on that. i love you and i mean it."
"haay naku Billy! di tayo talo! "
Umalis ako't di nagparamdam. tiniis ko sya. nalungkot na naman ako. naramdaman ko't narealize na mahal ko din pala sya.
nabalitaan kong na-ospital si Billy. sabi ni tita matagal na daw syang may leukemia at almost 3 months na lang ang natitira sa kanya. Nalungkot ako't nanghina. Tinakbo ko ang room kung saan sya naka-admit. di ko na napigilan ang damdamin ko.
"Billy! mahal din kita!" lumuluhang nasambit ko sa kanya.
"cha, alam mo namang mahal kita noon pa man di ba? ramdam mo naman yon di ba? kaya ako lumayo noon kasi sumalilalim ako sa chemotheraphy. ayokong ipakita sa iyo na mahina ako. gusto kitang makitang masaya. kapag nawala na ako, sana maging matatag ka. ipangako mo yan ha? " lumuluhang sabi nya.
"oo gagawin ko para sayo. walang iwanan ha?"
hinawakan nya ang mga kamay ko. "cha, mahal kita, tandaan mo yan ahh? magpakatatag ka..."
  Matapos ang isang buwan, lumipad sila pa-amerika para magpagamot. nawalan na kami ng koneksyon. ngunit bago sya umalis nangako syang babalik at magkikita kami sa ChaBi.
Sa itinakda naming araw, pumunta ako sa ChaBi. tila walang nagbago sa lugar na iyon. Puno ng dahon ang paligid at naroroon pa din ang puno na aming pahingahan. Malamig ang simoy ng hangin at ramdam ko ang marahan at banayad na daloy ng tubig sa ilog. Patuloy kong inalala ang mga panahong magkasama kami-kung kailan ko nalasap ang kagandahan ng buhay.
                Sa gayong tagpo'y  naabutan ako ni tita. Natigilan ako't di malaman ang dahilan kung bakit nya ako niyakap ng mariin.
"Cha, wala na si Billy"
"tita, di magandang biro yan!"
"hindi ako nagbibiro anak. Cha, kailangan nating magpakatatag. hindi na sya babalik. Ang katothana'y katotohanan. Kahit ako'y di rin makapaniwala. di nya kinaya sa states."
               Napaupo ako't walang nagawa kundi umiyak at lumuha. Ngunit wala na akong magagawa. di na din babalik si Billy. Nang mahimasmasa'y tumayo ako't pinawi ang mga luha ko. Naalala ko nag pangako ko sa kanya. Pagkatapos noo'y pinuntahan namin ang puntod nya. Muli, di ko napigilang mapaluha. Ang sakit! Inaway ko sya. Yung tipong para akong baliw doon sa harap ng puntod nya. wala na ding nagawa si tita kundi umiyak sa tabi ko. 
             Matapos ang tagpong iyo'y umuwi ako ng bahay na tila wala sa sarili. Nagdaan ang isang linggo, at patuloy pa din ako sa pagluha. Araw, buwan, at taon ang lumipas ay patuloy kong naiisip si Billy. di ko mapigilang mapaluha.
Makalipas ang dalawang taon, pinuntahan ko ang puntod nya. 
"hoy Billy! ang daya mo! inunahan mo 'ko!"  halos para akong bata sa harap ng puntod nya. 
            Pagkatapos noon, pumunta ako sa ChaBi. Muli, nakaramdam ako ng kapayapaan-kapayapaan sa lugar kung sann nabuo ang lahat ng aming nararamdaman.napaupo ako't naisip ang huling pag-uusap namin.
"cha, mahal kita. tandaan mo yan magpakatatag ka. hihintayin kita."
Sa oras na iyo'y napaluha ako.
oo tama si Billy.Magpapakatatag ako! di ako dapat tumigil. Ipagpapatuloy ko ang buhay.haharapin ko ang hamon ng buhay kahit ako na lamang ang lumalaban-laban dahil wala na si Billy. Laban di lamang sa buhay sapagkat marami ang umaasa sa patuloy na kasiyahan at ngiti sa aking mga tuyot na labi.
mahalaga ang bawat oras. salamat sa ChaBi at nalasap ko ang sarap kung paano patuloy na labanan ang laban ng aking buhay sa naghihintay na ...................pintuan sa walang hanggang buhay.
0 notes