Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga kaisipang isinalin sa ating pambansang wika - ang Wikang Filipino. Ang lahat ng mga larawan na naitampok sa pahinang ito ay mula po sa kani-kanilang may-ari; walang pananagutan ang pahinang ito sa anumang paglabag patungkol sa karapatang-ari ng lahat ng mga nilalaman na itinatampok dito.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
SALIN SA PAMBANSANG WIKA (Agosto 2, 2023)
Lahat tayo ay nagtataglay ng kakaibang uri ng kinang kapag tayo ay dumako sa isang lugar na kung saan magagawa natin ang lahat ng gusto nating gawin.
0 notes
Text
SALIN SA ATING PAMBANSANG WIKA (Agosto 1, 2023):
"Mamamangha ka sa oras na ikaw ay nakakapakinig ng mga awiting nagbibigay ng luwalhati sa Diyos."
Ang sarap talagang makinig ng nga himig ng papuri sa ating Panginoon. Ang mga awiting papuri ay nagbibigay sa atin ng lakas ng loob, at nagbibigay ng pag-asa sa mga panahong tayo ay nalulungkot, nawawalan tayo ng pag-asa, o di kaya'y humaharap tayo sa matinding pagsubok. Minsan din ay nakakapakinig tayo ng mga ganitong uri awitin para tayo ay magiging masaya at magpapasalamat sa ating Panginoon sa mga biyayang ibinigay Niya sa atin sa tuwina. Kaya dapat tayong magpasalamat sa Kanya sa handog ng musika para tayo ay makapagbibigay ng ating papuri sa Kanya, kahit saan man tayo dumako o kahit anong oras pa natin gusto.
0 notes
Text
SALIN SA ATING PAMBANSANG WIKA (HULYO 31, 2023):
Kahit hindi mo alam, ikaw lang ang nagbibigay ng sigla sa iba.
IPAGPATULOY LANG ANG IYONG GINAGAWA NANG MAY SIGASIG SA SARILI MO.
Kahit wala kang nalalaman sa mga nangyayari sa iyong paligid, napakapalad mo at ikaw pa rin ang dahilan kung bakit mo pinapasaya ang lahat ng tao, at ikaw rin ang nagbibigay ng inspirasyon at sigla. Tandaan mo lamang na may oras ang lahat ng iyong ginagawa, kaya dapat mong ipagpatuloy ang iyong ginagawa ng may sigasig sa iyong sarili. Gaya nga ng kasabihan, "Kung may TIYAGA, may NILAGA".
0 notes