Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
To my future man,
I just want you to know that I'm not that perfect. Madami akong pagkakamali sa buhay. Mga wtong decisions na pinag dusahan ko hanggang s mga oras na to. Di na ako ganun ka linis tulad ng inaakala mo. Napunta ako sa sitwasyon na to dahil sa Love. Ikaw naman kasi, bat ang tagal mong dumating. Ayan tuloy nahihirapan ako ngayon. Gusto mo yata na umiiyak ako araw gabi. Grabi na yung anxiety at depression ko ngayon. Yung tipong nagmamaka awa para lang mahalin ng taong mahal ko, pero kahit ano maka awa ko, wala parin dahil kahit kelan hindi mangyayari yun dahil hindi pwede. he's already taken and never na sya magiging akin pero magkaka anak ako sa kanya. Ano na mangyayari pagkatapos? Di ko din alam. Walang nakaka alam nun. Lalo ba ako mahihirapan. ? Lalo ko sya magiging kelangan, yun ang alam ko. Natatakot ako. Baka masiraan na ako ng bait. Kelan kapa ba dadating? Sana naman mahalin mo ako ng ako lang. At mamahalin din kita ng ikaw lang. Matatagpuan pa ba kita? Napapagod na ako dito. Napapagod na ako mag hintay kung kelan lang nya ako babalikan dito. Napapagod na akong mahalin sya kasi kahit anong gawin ko, di nya matutumbasan ang pagmamahal ko sa kanya. Sana naman kung dadating ka, this time mas mahal ako ng taong mamahalin ko. Kasi nakakapagod ng magmahal ng taong d kaya tumbasan ung pagmamahal mo dahil may kahati sya..... Di ko na hinihiling na maging kami, sapat na sakin na minahal ko sya.
0 notes
Text
How will you define a mistress? Sabi nila, a slut, whore, kabet, number2, ahas, mang aagaw etc. Just wondering if all people ay galit sa mga mistresses. Kasi, di naman lahat ginusto yung ganung sitwasyon. Nagmahal ka lang naman. Eh ang kaso, yung taong minahal mo ay di na malaya. Since from the start alam mo ng may asawa, sumige kapa rin. Kaya in the end, ikaw yung nag sa suffer.
Oo sa simula, parang laro lang. Game ka sa lahat ng bagay, at game din sya. 17 yrs agwat namin sa isat isa. 20 ako, 37 sya that time. Nag simula sa Hi and Hello, hanggang naging chatmate. You found someone na mapapaglibangan since galing nga ako sa break up. At sya anti boredom since naka on board sya sa barko. Til, naka graduate ako ng college. We decided na mag meet na. Ang usapan is pupuntahan mo ko sa province ko, pero in the end nauwi sa Manila ang meet up natin. That was the first time na magkikita tayo ng personal. Although nagkakilanlan na tayo thru video call and chat, nalaman natin na iisa pala yung birth place natin kaya lalo tayo naging interested sa isa't isa.
So eto na nga. Paglapag ng eroplano sa NAIA, ikaw una nakakita sakin. Well, wala naman tayong na feel na awkwardness sa isa't isa ng oras na yon. Sumakay tayo ng taxi and we ended at Hotel kung san tayo nag spent ng gabi. Yes, we made love that time. No need to detailed kung ano ngyare. After that, sinamahan kita sa Kalaw kasi may inaayos kang papers nun. And yun din yung first time na na snatchan ako. Di ko makakalimutan yun. Dahil nga siguro sa promdi ako kaya ngyare yun so lesson learned na.
And dahil doon, sabay tayo umuwi ng province natin non. Magkaiba lang tayo ng barangay. Sumakay tayo ng van, and nag spent ng week sa atin and sabay na din tayo lumuwas pa manila non. That time dun mo ko pinatira sa tita mo some where in Taguig. Siguro umabot lang ako ng 2 weeks doon kasi sa dinami dami ng tao sa Manila, nakita tayo ng sister ng asawa mo na magkasabay habang naglalakad pauwi. So, nagka issue doon at need ko ng lumipat ng place. Well, thanks god kasi nasa manila din yung brother mo which is nkikitira din sa pinsan mo. Dun muna tayo nag stay. Nakilala ko yung pinsan mo kung saan niyaya din nya ako mag apply. Luckily natanggap kami pareho pero magkaiba kami ng company. Tuloy parin naman tayo, hanggang sa lumipat na din tayo somewhere in Pasay na near sa workplace ko. Nag rent ako ng bedspace. Ikaw umuwi kana muna ng province. Tuloy parin naman ang communication natin. Nagtatrabaho ako, ikaw nag hihintay nalang ma process ang papers mo para makasakay agad.
And yun na nga, sasakay kana kinabukasan. So lumuwas ka ng Manila at nagkita tayo. As expected we made love again. Ang alam ko hindi kayo ok ng asawa kaya di ka nila hinatid sa Airport. May work ako that day kaya di narin kita nasamahan.
Lumipas ang oras, araw at buwan. Mas lalo natin minahal ang isa't isa. Lagi tayo magka video call, lagi tayo magkachat. Hanggang sa mag lock down dahil sa pandemic. Nawalan ako ng work dahil doon. At mas lalo ako na homesick. Nakakaiyak lang dahil ang daming panahong nasayang at nakatigil lang sa bahay. Ikaw ang lagi kong inaabangan nun, nakakalungkot lang dahil minsan wala kang signal ng 4 to 5 days. Napapaiyak lang ako nun sa lungkot. Dahil doon nakilala ko si Emon. Nagkasala ako sayo nun. Pero inisip ko nalang na may asawa kang tao. Gusto ko din sana magka bf ng walang sabit although d ko din naman alam kung may asawa o wala ang taong yun dahil di rin sya magkkwento. Kaya nag dalwang isip din ako na magsabi ng totoo sayo.
Time passed by. Malapit kana bumaba. Excited na ako makita ka. Gustong gusto na kita mayakap. At yun na nga, nandito kana sa Pinas. Naka quarantine ka at hinihintay nalang ang paglabas mo. Pero since malapit lang ung hotel na pinag quarantinan sayo nakaka puslit ka papunta satin. We made love again after a long months kahit kinabukasan p dapat ang labas mo.
Nag spent ka ng week sakin. Kumuha narin tayo ng apartment para mag live in. Hanggang sa mag decide ka na kumuha ng pwesto sa palengke. Di kana umuwi nun sa bahay nyo. Pero one day, nalaman amo ang tungkol kay emon. Hanggang sa nagka chat kayo at nalaman mo ang tungkol sa amin. Nagalit ka noon. Hindi mo ko inimikan. Natakot akong iwan mo. Pero nanatili ka sakin kasi sabi mo mahal mo ko... So, Nag isip ka ng business na pagkaka abalahan while nasa lupa ka. Mejo masakit sa bulsa ang renta at d naging maganda ang kita sa pagkakarendirya dahil sa kompetisyon, location at tao. Lockdown padin that time. Nagalaw nadin ang sarili kong pera nun. Pero ok lang kasi papalitan mo naman kapag nakasakay kana ulit. So nag isip ka ulit ng another business which is palengke. Mgtitinda ng isda dun at aangkat p mismo sa province natin. Tinulungan kita sa pag bebenta ng isda sa palengke, which is d rin naman nag tagal... Malaki na rin ang nabitawan kong pera doon. Malapit nadin ako maubos. Yes, ako ang nag bibitaw ng pera since wala naman syang nauwi na pera ng bumaba sya. Nasa asawa nya lahat. Di nagtagal nag lipat tayo ng apartment na mababa sa inuupahan ntin ng una. Di rin tayo nagtagal kasi nalaman ng asawa mo kung saan tayo naroroon. Naeskandalo tayo ng husto ng panahong yun. Pero nanatili ka parin sakin. Dahil doon, nag hanap na naman tayu ng marerentahan. Nagtindahan naman tayo dun pero wala parin ngyari. Malapit na talaga tayo maubos. Pero ok lang kasama naman kita.. Sobrang mahal na natin ang isat isa para sumuko. Di narin kita kaya bitawan kahit mejo nahihirapan narin ako. Sobra sobra nadin kasi nainsulto ang pagkatao ko dahil sa asawa mo which is oo nasasaktan ako, pero may karapatan ba ako masaktan? kabit lang ako. ako nang agaw, nakapanakit din ako pero nagmahal lang din naman ako at pinaparamdam din namn nya na mahal nya ako. Lagi sila nagtatawagan pero away lang naririnig ko kaya nakampante ako na ako nga yung pinili nya. Di ko itatangging ikinatuwa ko yun.
Dahil sa wala na kami, napilitan syang humiram ng 50k kay mama. At isasauli pagkatapos ng tatlong bwan. Mejo naging maluho kami ng panahon na yun. Dahil sa gusto namin i cherish ang isat isa nag punta kami kung san san.. hanggamg sa malapit na naman maubos ang pera.. Dahil dun, nag decide kami na uuwi nalang ako sa probisya ko sa visayas kung san ako nag aral. Naka empake na lahat ng gamit ko at pinauna ko na sa cargo dahil mag pi plane nalang ako.
Pero na cancel ang flight ko. Two times yun. Hanggang sa nag decide nalang kami tumira sa isang town sa province namin. Walang isang oras na drive mula sa kanila. So kumuha kami ng motor, ako nag down at nag monthly. Yun ang ginawa nyang service mula sa kanila hanggang sa lugar kung san ako. Hinahayaan ko sya umalis para maghanap buhay sya. Minsan ako sumama sa papunta sa town namin pero nagkasalubong kami ng asawa nya. So nag habulan ng motor hanggang sa mahuli kami. Nagkasakitan kami pero d ako lumaban. Inawat naman sya para di na ako msaktan. After a week, same scenario, nagkita kami sa daan. Gagawa na naman ng scene ang asawa nya. Kaya tinanong ko nalang yung lalaki, kung uuwi kana ba? sabi nya hindi. Nagtanong ulit ako, mahal mo paba? sabi nya hindi. Sumabad ang asawa nya na wag na kami papakita dun. Buti nalang napadaan ang classmate ko nung high school at pinasakay na ako sa motor nya kaya sila naiwan dun.
After non, Late na sya umuuwi dahil gabi daw sila lumalaot. Pero ang di ko alam pumupunta punta na pala sya sa bahay nila, sa asawa nya. Para lang naman daw sa mga bata pero sakin naman umuuwi, so hinayaan ko. Kasi tiwala ako sa kanya.
Hanggang sa nalaman ko na madalas na sya umuuwi dun, na depress ako kasabay ng pag iisip ko dahil delayed ako. Nag PT ako and confirm buntis ako. Di ko alam gagawin ko. So nag post ako ng PT sa account nya at nakita yun ng anak nya. Nagalit sya sakin dahil sa ginawa ko at pumunta sya sa bahay nila para magpaliwanag dun. Di ko alam kung ano napag usapan nila. Ng gabi umuwi sya sakin at nag usap kami. Tinanong ko sya kung itutuloy namin. Wala naman ako balak ipalaglag ang baby ko, gusto ko lang malamn kung ano isasagot nya sa tanong ko which is sabi nya bat ipapalaglag eh ginawa natin yan. Dahil dun naka hinga ako ng maluwag. Tinanong ko sya ng maraming beses kung mahal p nya asawa nya. Ilang beses sya humindi. Pero ng tinanong ko sya sa pagkakataong yun kung mahal prin nya, ang sagot nya oo. Nasaktan ako ng labis nun. Eh pano ako? sagot ko. Nandito parin naman ako sayo diba? pero d ako kontento sa sagot nya. Ang sakit sakit. Halos pgbgsakan ako ng langit at lupa nun. Talagang sobra akong nasaktan. Naniwala ako noon sa mga pangako nya. Akala ko sapat na ako. Akala ko lng pala yun. Sabi ko bakit kami umabot sa ganun, bakit pinaniwala nya ako, sagot nya di ko kasi nakikita ang sitwasyon nila noon. Nalungkot ako sa mga sagot nya sakin. Nawalan na ako ng pag asa na maayos ang lahat. Umalis din sya pagtapos namin mag usap. Di ko alam kung san sya natulog. Marami ng nabago saming dalwa.
Hanggang sa dumalang na lang yung uwi nya sakin. Kaya pumunta ako malapit sa kanila kasi ang usapan namin is kada dalwang araw sya sakin at sa kanya, kaya tinawagan sya ko sya kase susunduin ko sya. Di sya makapag motor nun kasi masakit kamay nya kaya ako na ang sumundo. \Sabi ko magkita kami kung hindi ppunta mismo ako sa bahay nila. Desperada na ako ng panahong iyon. Kaya pumunta sya pero kasunod nya ang asawa nya. Sabi ko wala ako balak makipag away, gusto ko lang makipag usap. Di naiwasan ang iringan naming dalwa hanggang sa nagtanong asawa nya, ano na? pumili ka sa aming dalwa, ako o sya? ang sagot nya parehas kayong importante sakin. Kung pipilitin mo ko sumagot wala ako pipiliin, parehas ko nalang kayo susuportahan kung meron ako. Satisfied na ako sa sagot nya kasi expected ko na syempre asawa ang pipiliin nya.
Kinausap ko sya na akala ko ba sakin sya ng araw na yun.? Sabi nya may therapy padaw sya hinihintay kaya sunduin ko nalang sya ng alas 5 ng hapon. So ganun nga ginawa ko. Pero di rin naman nasunod ung schedule na yun kaya hinayaan ko na.
Naghihintay nalang ako kung kelan sya uuwi sakin. Di ko alam kung ano magiging ending namin. 2 months pregnant palang ako at marami pa pwede mangyari. Ano kaya mangyayari pag nakalabas na baby ko. Magiging mas miserable kaya buhay ko? Bakit nangyayare sakin to? of all people, bakit ak0?
Daming manghuhusga sakin. Pero pasensya na, nagmahal lang naman ako.
-obob sa pag ibig!
7 notes
·
View notes